Maja nasaktan sa panlalait ng mga basher: tinawag nila akong majarot, kabit, malandi!

maja salvador

HINDI itinago ni Maja Salvador sa ginanap na presscon kahapon ng “MAJASTY” concert nito na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Nob. 13, na marami rin siyang natanggap na masasakit na salita sa social media.

Aminadong nasasaktan siya kapag nababasa niya ang mga ito pero hindi na lang niya pinapansin, “Oo, sobrang dami tulad na malandi, maharot, mistress, homewrecker, makiri, at kung anu-ano pa.

Nakasama mo lang halimbawa (nakakatrabaho at mga kaibigang aktor), kung anu-anong tawag na, so dedma na lang.” Pero ngayon daw ay naka-move on na si Maja dahil mas maraming blessings ang natatanggap niya kaya naman seryoso siya sa lahat ng ginagawa niya.

Samantala, sobrang nagpapasalamat si Maja dahil bongga raw ang mga special guests niya sa kanyang “MAJASTY” concert tulad nina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil at Piolo Pascual na talagang ni-request pa niya sa Star Magic.

Ayon kay Maja, “Kasi parang sa 13 years na ko sa show business pero simula na nag-umpisa ako, parang walang pagbabago sa kanya. Tapos iba kasi si Papa P pag kumakanta lalo na ‘pag kumakanta siya tapos tinititigan ka niya sa mata.

Parang ang ganda ganda mo. So syempre para mas mainspire naman ako, kailangan ko si Papa P.”
Sa katunayan, ngayong October sana magaganap ang kanyang concert pero naurong ito dahil nga hinintay nilang maging available ang schedule ni Piolo.

Samantala, hindi raw sure ng aktres-singer kung isu-surprise siya ng kanyang leading man sa Ang Probinsiyano na si Coco Martin dahil ang araw ng concert niya ay siyang araw ng taping ng kanilang serye na kasalukuyang umaani ng mataas na rating sa ABS-CBN.

Nabanggit namin kay Maja na dream ni direk Antoinette Jadaone na makatrabaho sila ni Paulo Avelino dahil nakitaan daw sila nito ng kakaibang kilig. Maaari raw maikumpara ang chemistry ng dalawa sa tambalang Piolo-Judy Ann Santos.

“Ah talaga? Puwede ko na bang sabihin (nagpaalam sa handler), actually, ‘yung ‘That Thing Called Tadhana’ ay in-offer talaga sa akin iyon, pero since busy ako noon hindi ko tinanggap.

“Tapos nu’ng nagkita kami ni Paulo, sabi niya sa akin, ‘Sayang, hindi mo tinanggap ‘yung Tadhana, magkasama sana tayo ro’n.’ Kaya doon ko lang nalaman na si Pau pala ang leading man ko dapat,” kuwento ng aktres.

Sa madaling salita, second choice lang pala sina Angelica Panganiban at JM de Guzman sa pelikula. Pero sa kabila nito, talagang tumabo pa rin sa takilya ang proyekto at humakot pa ng awards.

Going back to “MAJASTY”, ang ilan sa mga sponsor nito ay mga ineendoro ni Maja tulad ng Sisters Sanitary Napkins & Pantyliners, Petit Monde at Krem Top Coffee Creamer.

Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng Jerica M. Aguilar Events Management at Pink Management Porductions.

Nag-promise naman si Maja na ibang-iba ang mapapanood ng kanyang mga tagasuporta sa kanyang next major concert sa MOA Arena.

“Nakakatakot po pero hindi si Maja ang makikita niyo kundi si Majasty, talagang kakaririn namin ito mula si-mula hanggang ending. Hinding-hindi sila magsisisi,” anang dalaga na ngayon pa lang ay todo na ang ginagawang paghahanda sa mga gagawin niyang production numbers.

Nang matanong kung iimbitahan ba niya ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang concert, “Hindi ko na kailangan imbitahan, dapat bumili siya ng ticket… Sana bumili siya ng maraming ticket.”

E, paano naman ang ex-BFF niyang si Kim Chiu na nagsabing unti-unti na ring bumabalik ang maganda nilang friendship? “Si Kim, nagkita kami pero hindi pa napag-usapan. Pero kakapalan ko po ‘yung mukha ko, bebentahan ko siya ng ticket.”

Mismong si Maja na rin ang nagsabi na maayos na ang relasyon nila ngayon ni Kim, nagkausap na sila at umaasa siya na muling maibabalik ang dati nilang closeness na ilang taong ding nawala nang maging GF ni Gerald si Maja.

Read more...