Album launch ni Alden ngayong araw gaganapin sa SM cinema

alden richards1

NGAYONG araw na ilo-launch ang pinakahihintay na album ng milyun-milyong fans ni Alden Richards, ang “Wish I May” under GMA Records.

Ang grand album launch ng Pambansang Bae ay magaganap sa SM North EDSA Cinema 11, kaya naman talagang pinaghandaan ng pamunuan ng GMA at ng SM ang security measures sa venue ng event para maiwasan ang anumang untoward incident dahil sa inaasahang pagdating ng napakaraming tagasuporta ni Alden at ni Maine Mendoza o Yaya Dub.

Tampok sa album na ito ang sariling bersyon ni Alden ng “God Gave Me You” at “Thinking Out Loud” na paboritong naririnig sa Kalyeserye ng award-winning noontime show na Eat Bulaga.

Mula nang ma-release ang digital version ng album ay namayagpag na ito at nananatiling number one sa sales chart ng iTunes Philippines.

Lubos ang pasasalamat ni Alden sa mga taong hindi nagsasawang suportahan siya, “Hanggang ngayon nao-overwhelm pa rin po ako sa mga nangyayari. It’s really good to wake up each day feeling motivated.

And other than being supportive, the fans are also very concerned about my health, that’s why I’m very thankful po talaga with everything. I have the best people with me.”

Samantala, mapapanood na rin sa unang pagkakataon ang music video ng carrier single nitong “Wish I May” sa Sunday PinaSaya bukas ng tanghali.

Read more...