Luis natakot sumabak sa Politika; ayaw maglabas ng malaking pera

vilma santos

MATAGAL ding pinag-isipan ni Luis Manzano ang idea na tumakbo as mayor ng Lipa City pero he ended up dropping it. May nag-advise si-guro sa kaniya na huwag nang tumuloy dahil malaki ang tulog niya sa incumbent mayor nitong si Meynard Sabile na sobrang lakas daw doon.

Kahit nanay pa raw nito ang sikat na aktres at gobernadora ng Batangas ay hindi sila makasisigurong mananalo si Luis. Bagyo raw ang kalaban compared kay Luis na parang ambon lang daw sa hina.

“Wala siyang binatbat sa makakalaban niya. Kung sa yaman, maraming pera si Sabile na kayang tumustos sa gastusin sa politika. Si Luis ay kuripot kaya di siya uubra sa Lipa or kahit saan.

Baka lagnatin siya pag naglabas ng malaking salapi mula sa bulsa niya. Pamilya kuripot ang mga iyan,” sabi ng isang taga-Lipa. Marami ang naloka sa tinuran ni Luis when asked about his decision not to run as mayor nga ng Lipa.

Sinabi kasi niya na pag tumakbo siya, mababawasan lang ang pera niya. Malaki ang gagastusin kumbaga.  Siyempre raw, pag nagastusan siya ay mangungurakot siya para makabawi.

Masama raw iyon. Yayaman nga raw siya pero galing naman sa pangungurakot. Unlike sa showbiz na sigurado na ang kita niya dahil sa latter part daw ng 2016 ay magiging busy siya with many works.

“Nakalimutan yata ni Luis na ang nanay niyang gobernadora sa Batangas ay sikat na artista named Vilma Santos – ang tinatawag nating Star For All Seasons. She is believed to be the richest actress/politician sa kasalukuyan.

Alam naman nating manaka-naka lang namang lumabas sa movies or TV ang ina niya dahil naka-focus halos ito sa kaniyang political career at kailan ba iyon nang mainterbyu si Ms. Vilma dahil sa paniwalang her net worth now is more than P400 million.

Noon pa i-yon – siguradong mas tumaas pa ‘yun ngayon. Di ba’t sabi ni Vilma ay joint SLN nila ni Sen. Ralph Recto iyon kaya mukhang malaki lang. With Luis’ statement na ayaw niyang yumaman sa pangungurakot – may pinariringgan ba siya? Nakalimutan yata niya na nasa politics din ang nanay niya.

Hindi rin nag-iisip itong si Luis – he could have said other reasons – hindi yung pangu-ngurakot dahil parang sampal sa nanay niya iyon. Alam na kasi ng mga tao iyon – ang pangungurakot sa kaban ng bayan ng mga pulitiko is an age-old issue pero hindi na dapat ipagduldulan ni Luis sa kanilang mukha.

Kahit sabihin pang personal lang niyang opinyon iyon. Tactless siya. Hayan tuloy, pati ang nanay niya nadamay sa kataklesahan niya,” sabi ng isang wri-ter/friend nating nakatsikahan namin the other night.

Oo nga, ‘no? Luis may not deliberately meant harm sa mother niya pero sa sinabi nga naman niyang iyon ay nag-boomerang sa mom niya. Totoo naman kasi ang sinabi ni Luis eh, natural lang na babawiin ng kahit sinong pulitiko ang ginastos niya sa kampanya once na nakaupo na siya na siyang ayaw niyang mangyari sa kaniya.

Madedemonyo ka talagang magpayaman once na nakaupo ka kaya kita niyo, kahit magkakamag-anak ay nagpapatayan in the name of politics.

Tulad nito ngayon, hindi lang si Vilma ang tatakbong muli (she is running daw as congresswoman sa lone district ng Lipa City), tatakbo rin uli ang tatay ni Luis na si Edu Manzano, as senator naman.

Last time kasi ay natalo si Doods for vice-presidency kaya heto siya’t nagta-try ng luck niya sa senatorial race. Sapol din si Edu sa statement ng anak niya kung ganoon.

Well, let’s ask Luis. Baka meron pa siyang gustong i-share na stories sa atin.

Read more...