Nanay ng 2 anak ni Bistek ibang-iba ang ugali kay Kris

kerbert bautista

Tuloy na tuloy na ang pagtakbo ni Mayora Tates Gana sa pagkakonsehal ng District 6 ng Quezon City. Hindi na kailangan pang ipakilala kung sino si Ma-yora Tates Gana, nirerespeto siya sa sirkulo ng showbiz, hindi maiaalis na madikit ang kanyang pangalan kay Mayor Herbert Bautista dahil ito ang ama ng kanyang mga anak na sina Athena at Harvey.

Sariling kampanya na niya ngayon ang tututukan ni Tates Gana, kung dati’y aligagang-aligaga siya sa bawat pagtakbo ni Mayor Bistek, ngayon ay ibang-iba na ang senaryo.

Matagal na siyang iti-nutulak sa mundo ng pulitika ng kanyang mga kaibigan, kahit ang kanyang mga kadistrito ay nu’n pa siya pinatatakbo, pero laging naniniwala si Tates sa tamang panahon.

Ito nga nga ‘yun, nasa mundo ng pulitika na rin siya ngayon, isang mundong hindi na bago para sa kanya dahil sa mga nakaraang pagtakbo ni Mayor Herbert ay laging siya naman ang nasa likod ng aktor-pulitiko.

Matatandaan ang pananahimik lang ni Mayora Tates Gana nang pumasok sa eksena si Kris Aquino. Habang daldal nang daldal ang aktres-TV host ay hinangaan ng mas nakararami ang pagiging tahimik lang ng ina ng mga anak ni Mayor Bistek.

Palagi naman siyang ganu’n, hindi siya masalita, pero sagana naman sa ak-syon. ‘Yun ang klase ng pagseserbisyong ibibigay niya sa kanyang distrito kapag pinalad siyang maipanalo ang unang hamong ito sa kanyang kapasidad.

Sa kanyang kaarawan kahapon ay isa lang ang tanging hiling namin para kay Mayora Tates Gana! Ang magtagumpay sa una niyang pagtatangka sa mundong minahal na rin niya.

Read more...