Ate Guy ipinagtanggol si Grace kay Sheryl

nora aunor

Isa-isa nang nagpapahayag ng suporta ang mga malalaking bituin sa showbiz kay Sen. Grace Poe para sa kandidatura nito sa 2016 pre-sidential elections.

Kabilang na nga rito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at ang movie icon na si Eddie Garcia.
“Iba talaga kapag babae na may puso na marunong at madaling lapitan.

Sigurado ako riyan na malaki ang maitutulong niya sa ating mga kababayan,” sabi ni Ate Guy sa nakaraan naming panayam sa kanya sa pocket presscon ng bago niyang serye sa GMA na Little Nanay.

Sa katunayan, si Nora nga mismo ang nagtatanggol sa anak nina Da King Fernando Poe, Jr. at Susan Roces sa mga batikos ng mismong pinsan ng senadora na si Sheryl Cruz.

Si Manoy Eddie naman ay nauna nang sinuguro ang suporta kay Grace. Ang anak daw ni FPJ ang ikakampanya niya kahit pa alukin siya ng malaking halaga para ikampanya ang ibang kandidato.

Labis naman ang pasasalamat ni Grace sa mga suportang natatanggap lalo na sa mga dating naging katrabaho ng amang si FPJ. “I’m very proud of the movie industry and the television industry.

Iyon naman ang kinalakihan ko, iyan naman ang nagpaaral sa akin, iyong mga tumataguyod ng pelikula kaya I’m proud of that,” sabi pa ni Grace sa isang radio interview.

Read more...