Mega magaling mang-agaw ng eksena

sharon cuneta

GAYA ni Kris Aquino, maga-ling ding tumayming si Megastar Sharon Cuneta pagdating sa mga isyu na nakakatawag pansin para pag-usapan.

After nga nitong samahan ang asawang si Kiko Pangilinan sa Comelec para mag-file ng certificate of candidacy sa paghahangad na makapasok uli sa Senado, muling naging aktibo sa social media si Mega.

Agad itong nag-anyaya sa fans and followers niya na kilalanin nang husto ang dating senador at nangako pa itong laging magbibigay ng update sa kampanya ng asawa.

Muli din niyang ginamit ang social media para ipaliwanag kung bakit niya pinasalamatan si Ate Guy (Nora Aunor) during the time na nagbigay ng acceptance speech ang Superstar kaugnay ng special award na tinanggap nito sa katatapos lang na FAMAS bilang isa sa mga matatawag na movie icon sa bansa.

Isa lang ang nasabi ng mga katropa namin, “Anything for publicity. Very 80’s ang peg, lumang-luma and yet trying to be effective using the social media in this generation.”

Well, mabuti na lamang at sumasabay sa pag-unlad ng kaisipan ng bawat Pinoy ang mga gawain sa social media kaya’t madali ding nakikita ang totoong layunin ng mga gaya ni Mega, di ba?

No offense meant kay Sharon who is also a dear showbiz idol of ours, wish lang namin this time nga ay “tunay” (ang ibig sabihin pala ay never pa nating nakilala ang totoong Kiko Pangilinan) niyang maipakilala sa sambayanan ang mahusay niyang asawa na mas nakilala sa Senado bilang si Mr. Noted!

Read more...