Duterte hindi nga tatakbo; ‘Ibigay ninyo yan sa talagang may gusto’

TALAGANG hindi na nga tatakbo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa 2016 elections.

Ito ay matapos opisyal na isara ng Commission on Elections ang tanggapan nito para sa filing ng Certificate of Candidacy eksaktong alas-5 ng hapon Biyernes, at walang Duterte na dumating para maghain ng kanyang COC sa pagkapangulo.

Sa kanyang official Facebook account, binalikan ni Duterte ang kanyang mga naunang post may dalawang taon na ang nakakaraan na wala umano siyang balak tumakbo sa pagkapangulo.

“Nothing has changed. I am comfortable where I am now,” muling giit ng alkalde.

“I want to retire. I am tired. Give the presidency to the one who wants it. I don’t,”  dagdag pa nito.

 

 

Makailang ulit nang iginiit ni Duterte na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo kahit napakarami ang humihikayat sa kanya.

Bago pa mag-alas-5 ng hapon, ilang mga suporter ni Duterte ang nagtungo sa Comelec sa pag-aakalang magbabago ang isip ng alkalde at sa huling mga minuto ay magpa-file ito ng kanyang COC sa pagkapangulo.  Ngunit sila ay nabigo dahil walang Duterte na nagpakita sa kanila.

Uminit ang balita na magbabago ang isip ng alkalde matapos mag-post sa Facebook ang anak nitong si Sara na nagpapakita ng kanyang COC sa pagka-alkalde ng Davao City.

Humirit pa ito na humihikayat sa mga Pilipino na gawing pangulo ang kanyang ama.

“To all my fellow Filipinos, you will make him President, otherwise, lagot kayo lahat sa akin (watch out for me),” sabi ni Sara sa kanyang post.

 

 

Read more...