“Third time’s always the charm.”
Ito ang sinabi kahapon ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa harap ng mga reporter nang mag-file siya ng kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo Biyernes sa Commission on Elections.
Ito na ang ikatlong pagsabak ng senador sa pampanguluhan. Una siyang natalo noong 1992 kay Fidel Ramos at ang ikalawa ay noong 1998 nang mahalal si dating pangulong Joseph Estrada.
Inamin din ng senador na ibang -iba na ang political landscape ng bansa kumpara noong dalawang presidential elections na nilahukan niya.
Sinasabing siya ang “boses ng kabataan”, naniniwala si Santiago na malaki ang maitutulong ng social media sa kampanya.
“I hope that this voice will be resurrected and will prevail in the elections,” ayon kay Santiago.