Horoscope, October 16, 2015 | Bandera

Horoscope, October 16, 2015

Madam Sophia - October 16, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang kumita ng malaking halaga ay kalakal na may kaugnayan sa kandila at pang-Halloween ang dapat simulan. Sa pag-ibig, paghandaan ang pagdating ng kasuyong Virgo dahil may masarap na romansang magaganap. Mapalad ang 2, 10, 27, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi pa napipisa. Kumilos lang nang kumilos, imbes na magkuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 3, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat malungkot kung nasasaid na ang budget. Sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre, maraming materyal na bagay ang kusang darating. Sa pag-ibig, wag magpabago-bago ng isip at desisyon upang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om”. Red at violet ang buenas
Gemini – (May 21-June 21)—May karamdamang kakatok – wag papasukin! Kumain ng maraming prutas upang hindi tablan ng sakit. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal hanggang mauwi ang nasabing massage session sa masarap na romansahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na inilalaan sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pinansyal, kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan ngunit may isang naka-dilaw na magbibigay sa iyo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Bukod sa dilaw ang gold ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Suweldo na! Ano ang gagawin mo sa pera? Mali ang sagot mong: “Gagastusin!” Umpisahan na ngayong mag-savings upang paglipas ng five years mayaman ka na. Kapag muli kang tinanong, ano ang gagawin mo sa pera? “Iipunin ko!” ang tamang sagot. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon pa lang pag-isipan na kung paano ise-celebrate ang iyong kaarawan upang makatipid. Sa pag-ibig, may espesyal na regalong matatanggap mula sa kasuyo na hinding-hindi mo malilimutan. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Mas madaling yumayaman ang mga Sagittarius kung naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang nilalang na iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon pa lang ay paglaanan na ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, sa isang maling balita may pagsubok na darating sa inyong relasyon. Dapat magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Beige at purple ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18)—Maging masaya sapagkat sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung laging patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Orange at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Samantalahin ang bawat oras na dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minutong lumipas upang ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending