Anong negosyo ang magpapayaman?

Sulat mula kay Ryan ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang sundalo pero hindi ako nakakaipon kaya balak ko sanang magnegosyo para sa future ng mga anak ko, lalo na at malapit na silang mag-college. Sa ngayon ay may negosyo na kaming piggery sa malawak na lupa ng mga biyenan ko. Pero halos break-even lang ang kinikita sa gastos sa pag-aalaga ng baboy. Sabi ng misis ko, para raw mas lumaki ang aming kinikita ay dagdagan pa namin ito. Ano sa palagay n’yo, angkop kaya sa aming mag-asawa ang pagnenegosyo ng baboy o mas dapat sa ibang kalakal naman kami mag-invest? Anong negosyo kaya ang magpapayaman sa aming pamilya? January 17, 1970 ang birthday ko at May 14, 1972 naman ang birthday ng misis ko.

Umaasa,
Ryan ng Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kusa namang nagpalit o nag-iba ng linya ang Fate Line o Career Line (Illustration 1-1 arrow 1. at 2. ) sa iyong palad. Ibig sabihin, mula sa pagiging sundalo, sa malapit na hinaharap ikaw ay magiging isang matagumpay na negosyante.

Cartomancy:
King of Diamonds, Eight of Diamonds at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing higit ka ngang papalarin at uunlad sa negosyong may kaugnayan sa paghahayupan at paghahalaman kaysa sa pagiging sundalo. Ibig sabihin, darating ang saktong panahong maiisipan mong magretiro na agad upang makapag-concentrate na lang sa negosyo. At ito ang magiging daan upang ikaw ay yumaman.

Itutuloy

Read more...