Magsyotang young stars minomonitor ng PDEA

NAKAPANGHIHINAYANG dahil posibleng mawalan ng career sa showbiz ang isang mag-sweetheart dahil sa pag-gamit nila kapwa ng iligal na droga.

Ayon sa ating Cricket sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), itong mag-dyowa na subject ng ating balita ngayong araw ay kanilang namonitor na kabilang sa mga sinusuplayan ng droga ng isang kilalang drug supplier.

Ang drug pusher na ating binabanggit at siya ring supplier ng isang dating sikat na artista na ngayon ay halos wala na ring project sa showbiz dahil sa lagi siyang lango sa paggamit ng shabu at cocaine.

Balikan natin ang mag-sweetheart. Si lalaki ay ilang beses nang labas-pasok sa mga rehab centers pero hindi pa rin nagbabago hanggang sa ngayon.

Minsan na rin itong na-depress at muntik pang mag-suicide dahil nawalan siya ng mga proyekto dahil sa bisyo.

Sandali siyang iniwan ng kanyang super-ganda at seksing girlfriend pero dahil talagang mahal niya si aktor kaya muli silang nagkabalikan.

Kung dati ay inaawat ng aktres ang kanyang BF para umiwas sa droga, hindi maipaliwanag na pangyayari ay nabaliktad ang sitwasyon.

Pati ang magandang aktres na ito ay kasama na rin daw ni aktor sa pag-score at paggamit ng droga.

Naikwento ko ito sa ilang kaibigang showbiz insider at kanilang sinabi ma matagal na nilang napapansin ang pagiging lutang ng aktres sa tuwing oras ng taping o shooting.

Malamang ay ito na nga ang dahilan ng pagkagumon na rin ng aktres sa paggamit ng illegal drugs.

Sayang kundi kaagad maisasaayos ang pagkakamaling ito dahil isa pa naman ang aktres na ito sa may pinakamagandang mukha at katawan sa showbiz ngayon.

Ang kanyang BF na actor ayon sa ating mga Crickets ay isa na maituturing na “hopeless case” dahil sa ilang beses na itong na-rehab pero balik ulit sa masamang gawi.

Sayang ang kanyang career dahil natsitsismis din ngayon na buntis ang nasabing aktres.

Ang mag-sweetheart na actor at actress na ating tinutukoy ay parehong may letter “M” sa kanilang initials.

Read more...