Kris-Derek, Jodi-Ian, Kim-Xian bibida sa 2015 MMFF entry ng Star Cinema

KRIS & DEREK, JODI & IAN, KIM & XIAN

KRIS & DEREK, JODI & IAN, KIM & XIAN

SITSIT ng aming source mula sa ABS-CBN, gagawin na ni Kris Aquino ang pelikulang “All You Need Is Pag-Ibig”, ang entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival sa December.

Hindi na raw si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang leading man ng Queen of All Media kundi si Derek Ramsay na, ayon pa sa aming source.

Kuwento ng aming kausap, “Nagkaroon ng isyu kasi sina Kris at Bistek, di ba, sinabi ni Bistek na pinayuhan siya ni Kris na tapusin ang last term niya as Mayor ng Kyusi, e, hindi naman daw sinabi iyon ni Kris, ending nagkairitahan na sila.”

Sa madaling salita, ikalawang rason lang ‘yung tungkol sa Director of Photography na sinasabi ni Kris, balik-tanong namin sa aming source? “Actually, isa rin yun, bale dalawang rason ‘yun. Siyempre ayaw naman ng Star Cinema na mag-penalty sila ‘no, kaya kinausap ulit si Kris na ayusin at si Derek na nga ang kasama sa pelikula.”

Binanggit namin sa aming kausap na malulungkot tiyak ang mga fans na umaasang sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria na ang magbibida sa nasabing MMFF entry dahil sa pag-atras ni Kris.

“Kasama pa rin si Jodi, minus Richard kasi may ibang gagawin. Si Ian Veneracion na ang makakasama ni Jodi and not Richard, para na rin ‘yun sa promo ng Pangako Sa ‘Yo, “paliwanag sa amin.

Sa madaling salita, bukod kina Kris at Derek ay ka-join din sina Jodi at Ian sa pelikula? “Yes,” ang mabilis na sagot sa amin ng source.

Bongga, sabi namin sa aming source dahil dalawang loveteam ang mapapanood sa “All You Need Is Pag-Ibig”? Ang sabi naman ng aming kausap, “Tatlo po, kasama pa rin sina KimXi (Kim Chiu at Xian Lim).”

Tiyak na matutuwa ang mga fans ng tatlong tambalan dahil parang 3-in-1 na ang entry ng Star Cinema sa MMFF 2015. Ano naman kaya ang magiging takbo ng istorya nito? Yan ang aabangan natin.
Si Antoinette Jadaone pa rin daw ang magiging direktor ng filmfest movie nina Kris at Derek.

Read more...