MARIING pinabulaanan ni Angelica Yap alyas Pastillas Girl na nabuntis siya noon at nagpalaglag. Sa episode ng It’s Showtime kanina, isa-isang ibinato ni Vice Ganda kay Angelica ang mga tanong ng netizens para sa kanya.
Idinenay ni Pastillas Girl na nagkaroon na siya ng anak sa pagkadalaga, “May mga pagkakamali ako sa past Ate Vice, dun sa mga pagkakamali na ‘yun may matututunan ka and you never judge a person dahil nagkamali ka kasi wala naming perpektong tao ‘di ba.
“Nagkamali ka bumangon ka sa tingin ko may dahilan ‘yung lahat kung bakit nangyayari yung mga nangyari. And sa tingin ko yung mga experiences ko na masasakit before, ‘yun yung nagging sandata ko ngayon para maging strong as a person.
Wala po akong anak Ate Vice,” pahayag ng dalaga. Dito na nga tinanong ni Vice kung totoong nagpa-abort siya noon. Kung matatandaan, isa ito sa mga isyung pinag-uusapan sa social media mula nang sumikat si Pastillas Girl.
Ayon sa dalaga, “Hindi po ako nagpalaglag ever sa buong buhay ko. Catholic po ako if ever na magkakaroon ako ng isang blessing aalagaan ko siya mamahalin ko siya.”
Nang matanong kung sa tingin ba niya ay bad influence siya sa mga kabataan, “Sa tingin ko po Ate Vice matalino na po yung manonood natin at alam nila yung mga dapat tularan po sa hindi.
Sabi ko nga po kanina hindi po ako perpektong tao at hindi rin po porket nakikita po nila ako sa telebisyon, lahat din po ng ginagawa natin sa telebisyon ay dapat pong gayahin.
“Kaya nga po meron po tayong patnubay ng magulang kung ano po ‘yung napapanood ng mga anak natin siguro nandiyan po sila dapat para i-guide kung ano yung mga tama ba na gawin ng mga bata sa hindi,” aniya pa.
Nanawagan din siya sa mga kabataan na huwag nang gayahin kung ano ang ginawa niya sa kanyang viral vide
MOST READ
LATEST STORIES