‘Takot ako,’ sabi ni Enrile sa pagtakbo ni Santiago bilang pangulo

Juan-ponce-enrile-660x416
“Takot ako.”
ITO ang naging reaksyon ni Sen. Juan Ponce Enrile matapos naman ang naging pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na siya ay tatakbong pangulo sa 2016.

“She’s too brilliant,” dagdag Enrile nang tanungin siya kung bakit.
Nang tanungin muli ng mga reporter, sinabi ni Enrile na nagbibiro lamang siya sa kanyang pahayag.
Kilalang magkaaway ang dalawang senador, partikular ang isyu hinggil sa pagbibigay umano ni Enrile ng Christmas bonus sa mga senador nang siya ay Senate president pa.
Samantala, kapwa itinanggi nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes IV na sila ang tinutukoy na ka-tandem ni Santiago.
Nauna nang sinabi ni Santiago na nagdeklara na ng kanyang kandidatura ang magiging bise presidente sa 2016.
Nagdeklara rin si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kakandidato sa pagka-bise presidente.

Read more...