Heart ayaw pilitin ni Chiz na sumama sa kampanya sa 2016

chiz escudero

Hindi pipi-litin ni Sen. Chiz Escudero ang misis niyang si Heart Evangelista na sumama sa kanya kapag nagsimula na siyang mangampanya sa pagtakbong vice-presidents sa 2016 elections.

Alam niyang marami ring trabaho ang asawa at hindi rin daw biro ang campaign sorties ng isang politiko. “Kasi nauunawaan ko naman na may trabaho siyang dapat gawin at pag tumigil yun, paano kami kakain?” birong tugon ng senador.

Malaking tulong daw si Heart sa kandidatura niya pero ani Chiz, “Mas priority pa rin ang trabaho niya. Pangalawa lang yun. Kung wala sana siyang trabaho, e, di sige.

Bakit hindi? Pero mas maganda pa rin na may sarili siyang propesyon, may sarili siyang trabaho. At least, magkaiba yung mundong ginagalawan namin.”

Read more...