JaDine sa AlDub: Di po kami nakikipagkumpetensiya sa kanila!

james reid

Hindi nakikipagkumpetensiya ang magka-loveteam na Nadine Lustre at James Reid sa kasikatan ngayon ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub).

Sa media day ng On The Wings Of Love kamakailan, tinanong ang JaDine kung ano ang reaksiyon nila sa balitang sila ang ipinangtatapat ng ABS-CBN sa AlDub ng GMA?

“Pangtapat? We’re not trying to ano, e…this the first time na narinig ko po ‘yan,” sagot ni Nadine.
Tulad kasi ng AlDub, click din sa mga OFW ang JaDine tandem dahil sa lakas ng OTWOL sa buong mundo at mabentang-mabenta rin ang merchandise ng kanilang serye.

Pero ayon kay Nadine, “We’re not competing naman. We don’t look at things na parang ganu’n. Hindi naman po competition ang tingin namin.

“Kasi po we’re all the same. Pare-parehas po kami ng he-nerasyon. At least, in the future, yung mga ka-generation namin, masasabing nagbigay kami ng saya,” ang paliwanag pa ng Kapamilya young actress.

Read more...