Roxanne Guinoo ayaw maging hot mama | Bandera

Roxanne Guinoo ayaw maging hot mama

Ervin Santiago - October 15, 2015 - 02:00 AM

roxanne guinoo

WALA nang plano si Roxanne Guinoo na magpaseksi o mag-pose sa men’s magazine para patunayang isa pa rin siyang hot mama.

Dalawa na ang anak ni Roxanne pero napanatili pa rin nito ang ganda ng kanyang katawan, tulad din ng mga tinaguriang hot mama ng showbiz like Sunshine Cruz, Jodi Sta. Maria at Jennylyn Mercado.

Nakachika namin si Roxanne sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Walang Iwanan at sinabi nga niya na ayaw na niyang magpa-sexy sa kanyang mga future projects kahit na nga pwedeng-pwede pa rin niyang gawin ito dahil sa kanyang pagiging fit and fab.

Pero payag naman daw siya sa mga mother roles sa mga teleserye tulad na lang ng karakter niya sa Walang Iwanan, siya ang gaganap na nanay ng limang batang bida sa kuwento at magiging asawa ni Jhong Hilario.

“Walang problema sa akin dahil nanay na rin naman ako in real life. Masaya and excited and siyempre proud kami sa project na ‘to dahil alam namin na mamahalin ng viewers kasi realeserye talaga siya.

First time gumawa ng ABS-CBN ng (teleserye na) nangyari sa totoong-buhay,” ani Roxanne.
Pahayag pa ng aktres, kahit na raw nag-aartista uli siya, priority pa rin niya ang kanyang asawa at pamilya, “Dalawa na po ‘yung kids ko isa girl, eldest ko po 5 years old na. ‘Yung second ko boy turning 3.

Matagal rin po talagang napahinga kasi kailangan talaga ang involvement ng parents sa mga anak eh. ‘Yung time na maliliit sila talagang nasa kanila ang panahon ko para tumutok sa kanila.”

Ngayong medyo malalaki na ang mga bata, maaari na niyang mabigyan ng extra time ang kanyang showbiz career, “Yes, ready na ako ulit at kasi malalaki na rin ‘yung kids ko at na-miss ko talaga and I make sure na kung gagawa man ako ng trabaho ‘yung kaya kong ba-lansihen ‘yung oras ko with my family.

“At the same time binibigyan ng oras ko pa rin po ‘yung mga anak ko and rule of thumb po ‘yan, magtatrabaho po ako pero may oras pa rin ako sa pamilya ko, ‘yun ang gusto ko,” aniya pa.

Hangga’t maaari raw ay ayaw na rin niyang gumawa ng proyekto na kinakailangan ng kissing scene o love scene, “Yung mga maselang eksena hind na for me ‘yun eh, ibigay na natin sa iba kasi may mga anak na ako.

Ayaw ko naman mapanood ng mga anak ko na ‘Why mommy is kissing someone?’ Ayaw ko ng ganu’n. Ang gusto kong mapanood ng anak ko ‘yung walang bahid ng kung anuman para hindi mahirap mag-explain.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending