Dingdong naki-reunion sa Abztract Dancers

dingdong dantes

NAKATUTUWANG isipin na may mga bagay pa rin palang hindi nababago ng panahon, tulad ng pagkakaibigan.

Pinatunayan yan ni Dingdong Dantes at ng mga kasamahan niya sa Abztract Dancers na nag-celebrate ng kanilang 20 years of friendship nitong weekend.

Sa Instagram ng Kapuso Primetime King ay nagpasalamat ito sa mga kasamahan lalo sa pinsang niyang si Arthur Solinap dahil ito ang nagbukas ng pinto sa kanya sa showbiz.

Sa ngayon ay todo paghahanda na rin si Dingdong sa nalalapit na panganganak ng kanyang misis na si Marian Rivera. Siguradong excited na itong makita ang kanilang Little Marian.

Read more...