Madlang pipol super kilig sa simpleng titigan ng JaDine

james reid

Ang lakas talaga ng On The Wings of Love dahil halos lahat ng dumalo sa #OTWOL Media Day ay kinikilig kasama na ang mga bisitang nag-immerse raw para masaksihan kung paano isinasagawa ang presscon ng mga bidang sina James Reid at Nadine Lustre kasama si Albie Casino.

Sinong mag-aakala na makaka-jackpot ang Dreamscape Entertainment kina James at Nadine na isang taon palang simula nu’ng pumirma sila sa ABS-CBN para sa project na OTWOL ay heto at word of mouth na sila hanggang sa ibang bansa.

Pinagmamasdan nga ng lahat habang nakaupo sa entablado sina James at Nadine bilang sina Clark at Lea ay iisa ang sabi ng lahat, may chemistry sila kahit na wala silang relasyon, nagagawa nilang pakiligin ang viewers kahit na sa isang simpleng titigan lang.

Ang lakas daw maka-high school ng dalawang bagets. Pati nga ang OTWOL collectibles ay laging soldout, ang bestseller daw nila ay ang mga unan na may mukha nina Clark at Lea at pati sa online ay marami ring umoorder.

Pati ang kalulunsad ding OTWOL scrapbook ay soldout din agad sa loob lang ng isang linggo. May nagbulong naman sa amin na posibleng ipagdiwang nina Clark at Lea ang White Christmas sa San Francisco kaya naman nang tinanong ang executive producer ng serye na si Arnel Nacario ay nagsabi agad siya ng, “For now po, enjoy po muna natin ang buhay nila (James at Nadine) sa Pilipinas kasi kakaumpisa pa lang ng season 2 kung saan nandito ang buhay nila sa Pilipinas.”

Base sa kuwentong tumatakbo sa OTWOL ay naiwan sa San Francisco si Albie bilang si Jigs na tinaguriang Pambansang Bully ay sinabi rin ng EP na, “Hayaan na lang din po muna natin si Jigs sa Amerika kasi baka hindi na siya maka-labas ng bahay kapag nandito na sa Pilipinas dahil maraming nagagalit na sa kanya.”

Nakabalik na nga si Albie sa showbiz kaya naman labis-labis ang pasalamat niya sa Dreamscape na sinugalan siya after five years.

Read more...