ASK ko lang po kung pwedeng makakuha ng benepisyo o makapag-loan ang isang may partial disability? Wala kasi na akong kakayahang magbayad kung sakali. Hindi na rin ako makapagtrabaho dahil sa a-king gouty arthritis na madalas na umaatake sa akin.
Makaka-avail rin po ba ako ng partial disabi-lity dahil sa health condition ko? Member po ako ng SSS for almost 20 years. Sana po masagot niyo ang tanong ko. Salamat po.
Nestor ng
Davao City
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail hinggil sa katanungan ni G. Nestor ng Davao City ukol sa di-sability benefit.
Para sa kanyang kaalaman, ang disability benefit ay benepisyong i-pinagkakaloob ng SSS sa mga miyembrong nabalda maging ito man ay partial o total disability. Buwanang pensyon ang ipinagkakaloob sa miyembrong nagkaroon ng kapansanan. Kailangan ay nakapaghulog ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon sa SSS bago ang semestre ng pagkabalda.
Samantala, lump sum amount naman ang i-pinagkakaloob sa mga miyembro na kulang sa 36 buwanang kontribusyon ang naihulog.
Kaugnay nito, maaa-ring mag-file si G. Nestor ng disability claim sa pinakamalapit na SSS branch at magsumite ng mga sumusunod na dokumento:
Disability Claim Application form
SSS Medical Certificate Form o SS Form MMD-102
Medical records o mga dokumentong nagpapatunay ng pagkabalda gaya ng clinical at hospital records
SS ID o SS Form E-6
Dalawang valid IDs
Siya ay sasailalim sa pagsusuri ng medical eva-luation section ng SSS u-pang malaman kung ang kanyang pagkabalda ay kwalipikadong mabigyan ng disability benefit.
Maraming salamat po sa pagkakataon na bigyan ng linaw ang bagay na ito.
Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL. FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Monitoring and Feedback
Media Affairs
Department
Noted:
MA. LUISA P. SEBASTIAN
Assistant Vice
President
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Bi-yernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.