Kapatid ni Pacquiao hindi pa disqualified sa pagtakbo sa Kongreso

manny pacman
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na hindi otomatiko ang diskwalipikasyon ng nakakabatang kapatid ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na si Ruel, na kumakandidatong kongresista sa Sarangani.
Ito’y matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) ang batang Pacquiao sa lone congressional district ng Sarangani.
Si Ruel ay ang chairman ng Barangay Apopong sa General Santos City.
Hindi bahagi ng General Santos City ang Sarangani, bagamat dating bahagi ng South Cotobato nang hindi pa hinahati.
Sinabi ni Michael Mamukid, Sarangani election supervisor na taliwas sa mga ulat, tinanggap ng Comelec ang COC ni Ruel nang siya ay maghain noong Lunes.

“Our job is ministerial,” sabi ni Mamukid.

Read more...