Hinamon ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang US-based Oxford Economics na ilabas ang pinagbasehan ng kanilang pag-aaral na umaabot sa P22.5 bilyon ang nawawalang kita sa gobyerno sa sigarilyo na iligal na ibinebenta.
“I believe for the sake of transparency and disclosure, they should say who commissioned the study and let the public determine who will they believe in,” ani Henares.
Kasabay nito ay kinuwestyon ni Henares ang gumastos umano sa pagsasagawa ng pag-aaral—ang cigarette giant na Philip Morris.
Ayon sa pag-aaral ng Oxford kumonsumo ang mga Pinoy ng 105.4 bilyong stick ng sigarilyo noong nakaraang taon at 90 porsyento nito ay gawa sa Pilipinas. At 19 porsyento umano (20 bilyong stick) ang galing sa illegal cigarette trade.
Sinabi ni Heneras na may isinagawang kaparehong pag-aaral ang World Bank kung saan sinabi na limang porsyento lamang ng nakokonsumong sigarilyo ang galing sa illegal trade.
Mayroon din umanong ginagawang hakbang ang BIR upang matiyak na nagbabayad ng tamang buwis ang mga manufacturer ng sigarilyo.
Kabilang dito ang pagtiyak na may documentary stamp ang bawat kaha ng sigarilyo na ibinebenta. Nagpalagay na rin umano sila ng CCTV sa production line ng sigarilyo upang mabantayan ang dami ng kanilang ginagawang produkto.
Pinoy kumonsumo ng 105.4B stick ng yosi
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...