HINDI naman pala totally isinasara ng magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre ang posibilidad na magkaroon sila ng seryosong relasyon in the future.
Sa ipinatawag na media day ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para sa mga bida ng hit na hit na Primetime Bida series na On The Wings Of Love kahapon, inamin ng dalawang Kapa-milya stars na hindi naman talaga imposibleng maging magdyowa sila kung ‘yun talaga ang itinadhana.
Pero muling iginiit nina James at Nadine na sa ngayon ay talagang wala pa sa isip nila ang magseryoso sa pakikipagrelasyon dahil parehong trabaho ang focus nila ngayon, lalo na ngayong nasa season 2 na ang kanilang top-rating series na On The Wings Of Love.
Ayon kay James, “Yes, who knows, di ba? But like I always say, as long as we are working together, work muna ang iniisip namin. I don’t want complications sa trabaho. And I’m very happy na sinusuportahan ng viewers ang loveteam namin ni Nadine, yun ang important po sa amin.”
Hirit naman ni Nadine, “Ganu’n din po, tingnan po natin. Hindi naman talaga natin masasabi kung anong mangyayari in the future. Pero tulad nang sinabi ni James, trabaho po talaga muna ‘yung focus namin, kung paano pa mas mapapaganda ang OTWOL para mas mapaligaya at mas mapakilig pa namin ang manonood.”
Halos lahat ng miyembro ng entertainment press na dumalo sa media day ay agree naman sa mga nagsasabing sina James at Nadine ang Guy & Pip (Nora Aunor at Tirso Cruz III) ng bagong he-nerasyon.
Inamin naman ni Nadine na boyfriend material talaga si James, “Ako kasi very emotional akong tao in real life, tulad din ni Lea (karakter niya sa OTWOL). Kaya naa-appreciate ko si James sa buhay ko dahil lagi niya akong pina-patawa.
Napapasaya niya ako kapag malungkot ako. Gusto ko talaga sa isang kaibigan yung napapatawa ako.”
Sey naman ni Clark (karakter naman ni James sa OTWOL), “Yes (GF material din si Nadine). And she’s mabait, maalaga, natural and fun to be with.”
Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ng magka-loveteam sa milyun-milyong fans ng kanilang serye, lalo na sa mga OFW na palaging nakatutok sa The Filipino Channel. Hindi lang kasi ang mga nasa Pilipinas ang adik na adik ngayon sa OTWOL kundi pati na rin ang sandamakmak na mga kababayan natin sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nagkakaisa ang mga OTWOListas sa pagsasabing hindi lang magaling magpakilig ang JaDine sa viewers kundi mas lalo pang humusay ang dalawa sa pag-arte. Reaksiyon ni Nadine, “Grabe nga po. Speechless lagi ako kapag naririnig ko po yung ganyan.
Tapos palagi pa po kaming nagti-trend (sa Twitter), maraming sumusuporta sa mga mall shows namin. Kaya hindi ko po talaga alam ang sasabihin ko sa kanila, kundi puro thank you na lang po.”
Nang matanong naman kung paano nila nagagawang makatotohanan ang kanilang mga nakakakilig na eksena sa serye kahit wala silang relasyon sa tunay na buhay, sinabi ng dalawa na nagiging madali sa kanila ang lahat lalo na ang mga kissing scene nila dahil malalim na rin ang punda-syon ng kanilang friendship.
Chika ni Nadine, “Mula naman noong magsimula ang loveteam namin, lagi naming sinasabi na namin na hindi kami. Talagang magkaibigan lang kami, at walang pressure na kailangang magkaroon din kami ng relasyon in real life o maging sweet din kami off-cam, kasi hindi po kami ‘yon.”
Siniguro naman ng JaDine na maraming-marami pang kilig moments na mapapanood sa OTWOL dahil ayon sa mga taga-Dreamscape Entertainment, hanggang 2016 pa ang nasabing serye.
Samantala, dahil sa kasikatan ngayon nina James at Nadine, mabenta rin ang OTWOL collectibles. Ayon sa The ABS-CBN Store, consistent bestseller ang OTWOL pillows at iba pang merchandise, habang dinagsa naman ang pre-orders para sa couple rings na base sa serye.
Isa pang hindi pinalampas ng mga OTWOListas ang official scrapbook ng programa na dinumog ng tinatansyang 4,000 fans. Sa loob lamang ng ilang linggo, sold out na ang 10,000 copies ng scrapbook at ngayon ay nasa second printing na ito.
In fairness, pati mga sikat na personalidad ay hindi nakatakas sa OTWOL fever. Ang unang mga nagpahayag na sila ay certified OTWOListas ay sina Vice Ganda, Bernadette Sembrano, Marvin Agustin, Luis Manzano, Kyla, Bianca Gonzalez, Myrtle Sarrosa, John Lapus, Kiray Celis, Darla Sauler, UAAP volleyball stars Mika Reyes, Gretchen Ho, at sina direk Jose Javier Reyes at Antoinette Jadaone.
Mas magiging kapanapanabik naman ang bagong hamon sa pag-iibigan nina Clark at Leah na biyaheng Pilipinas na. Sa bagong kabanata, mapapanood kung paano magsusumikap si Clark para suyuin ang tatay ni Leah na si Mang Sol (Joel Torre) na nagalit nang malamang nagpakasal na sila.
Magkakaroon na kaya sina Clark at Leah ng happy ending sa Pilipinas? Abangan!