KINUMPIRMA ni Pop Princess Sarah Geronimo na hindi siya mag-e-endorse ng politiko sa darating na 2016 elections.
Walang kurap na “hindi po” ang sagot sa ng singer-actress when asked during the very successful celebration ng 10th anniversary ng ine-endorso niyang bags and shoes pro-ducts from Michaela.
“Bakit? Kasi po…pahi-nga muna tayo doon. Kapag po meron na akong know-ledge talaga sa politics. Then, ‘di ba? Aaralin ko muna. Mag-aaral (ako),” sabay tawa ni Sarah.
Pagdating daw sa pag-eendorso ng mga politiko katuwang daw niya sa pagpili ang kanyang pamilya. Gaya na lang daw nu’ng mga nakaraang halalan kung saan may mga ikinampanya si Sarah na mga kandidato for President, talaga raw pinag-usapan nila ‘yun ng kanyang pamilya.
May mensahe naman si Sarah sa ibang celebrities na mage-endorse ng mga kandidato, “Number one, alamin nilang mabuti (kung sino talaga) ang kanilang ie-endorse. Dapat hindi lang siya para sa pera, alam mo ‘yun?
“Dapat pinaniniwalaan nila ‘yung tao na talagang magli-lead sa magandang kinabukasan ng bansang Pili-pinas. Hindi tayo dapat mag-yes basta-basta,” pahayag pa ng dalaga.
Kunsabagay, maging sa mga produktong ine-endorse ni Sarah ay sadyang mapili siya sa pagtanggap. Kaya naman thankful ang Michaela especially ang super-ma-PR na owner nito na si Ms. Julie Yeo.
Abot-langit ang ngiti nito habang inaasikaso ang mga taga-media before magsimula ang programa na ginanap sa Event Center ng SM Megamall last Sunday.
Tinanong din namin si Ms. Julie kung ilang milyon ang binayad nila kay Sarah as print endorser ng Michaela. Ngunit ngiti lang ang isinagot niya sa amin. Feeling namin milyones talaga ang ibinayad nila kay Sarah.
But kidding aside, gusto raw kasing suportahan ni Sarah ang local products natin, “Syempre po, it makes me prouder to be a Filipino, ‘di ba? Dapat po ineendorso natin ‘yung sarili nating gawa, sarili nating produkto.
“‘Yung kanilang ultimate goal talaga ay magbigay ng servcies sa mga kababaihan. I-value natin ang sarili natin. We always look at our best ‘di ba? So, ‘yun. ‘Yun naman ang dahilan kaya ako pumayag. Sino naman ang hihindi?”
Say pa ni Sarah, hindi raw niya nabibilang kung pang-ilang endorsement na niya ito. But one thing is for sure, inilalagay daw niya sa investment ang nakukuha niyang TF sa kanyang pro-duct endorsements, “Opo naman.
Ini-invest po namin (sa insurance). Para po ‘yun sa buong family.” Bukod sa insurance, may business na rin daw silang naitayo gaya ng family-owned restaurants at iba pang mga properties.
Siguradong secured na ang future ni Sarah at ng kanilang pamilya sa dami ng kanyang naipundar sa ilang taon na rin niyang pag-aartista, pagkanta at pagiging product endorser.
Bukod sa magandang buhay, both sa personal at professional life, maayos din at going strong pa rin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
Tahimik din ang love affair ng dalawa dahil wala nang masyadong intrigang lumalabas about their relationship.