NAIS ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na muling buksan ang imbestigasyon kaugnay ng insidente sa Mamasapano, sa pagsasabing may mga katanungan na dapat pang masagot.
Sa pagdinig ng Senate finance subcommittee kaugnay ng panukalang budget ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, sinabi ni Enrile na hihilingin niya na imbestigahan ng Senado ang nangyaring operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF).
” I will ask for the reopening so that we will ask the questions regarding the participation of each agency of government involved,” sabi ni Enrile.
Nasa plenaryo na ang committee report kaugnay ng naging imbestigasyon sa Mamasapano, bagamat hindi pa ito natatalakay.
MOST READ
LATEST STORIES