Kean Cipriano pinaluha ang fans ni Mang Pidol; Mega sumikip ang dibdib

sharon cuneta

Siguradong alam n’yo na kung sino ang nanalong celebrity contender sa huling showdown na naganap sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN. At sure rin kami na nahirapan ang judges sa pagpili ng winner this week.

Sa mga nabasa naming komento sa social media, marami ang bumilib sa panggagaya ni Kean Cipriano sa yumaong Comedy King na si Dolphy. Talagang tumayo raw ang balahibo nila nang mapanood ang performance ni Kean Cipriano.

Kahit ang mga judge ng show ay mangiyak-ngiyak habang pinanonood si Kean na kumakanta ng “Fly Me To The Moon” na isa sa mga favorite songs ni Mang Pidol?

“You gave me a tight fee-ling in the chest. I was even a bit teary-eyed kasi sobrang nakita ko sa iyo si Tito Dolphy. I just want to thank you for bringing Tito Dolphy back to life,” ayon kay judge Jed Madela.

Sey naman ni Sharon Cuneta, “Pagkalabas mo, sumikip ang dibdib ko pero natuwa din ako kasi nagawa mo ng napakaganda sa pag-portray sa hari ng komedya.

It was very touching, moving even. Ang taas ng standard na na-set mo. That was a great performance. Thank you for honoring Dolphy that way.”

Read more...