Joross tatay na, misis nagsilang ng malusog na baby boy

joross gamboa

Tatay na rin ang magaling na aktor na si Joross Gamboa. Nagsilang ng healthy baby boy ang asawa niyang si Katz Saga-Gamboa noong Sabado. Pinangalanan nila ang kanilang unang anak na Jace Kyler.

Sa kanyang Instagram account ibinalita ni Joross ang bagong blessing sa buhay nila ni Katz. Anito, “Thank you God for giving my wife a safe and normal delivery.

Thank you also for giving us a healthy cute baby boy! Ang lakas namin talaga sa ‘yo Lord. We praise and worship You.,Psalm 127:3 – Children are a gift from the LORD; they are a reward from him.”

Nabuntis ni Joross ang kanyang misis ilang buwan pagkatapos ng kanilang Christian wedding ceremony sa Fernbrook Gardens, Alabang, Muntinlupa City noong Nov. 29.

Read more...