Maja pinaiyak ng ina at kapatid sa b-day surprise ng ASAP

maja salvador

Naiyak si Maja Salvador kahapon sa birthday surprise sa kanya ng ASAP. Naging emosyonal ang aktres nang mapanood ang pre-recorded interview sa kanyang ina.

“Alam kong matatag siya sa lahat ng mga napagdaanan niya. Lagi kong sinasabi na mahal na mahal ko siya. Sana makahanap siya ng talagang para sa kanya, yung forever niya,” sey ng mommy ng singer-actress.

Sinabi ni Maja na gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, lalo na sa ina at kapatid. “Alam naman nila na ‘yung pangarap nilang dalawa, pangarap ko din. Happiness nila ang pinakagusto kong ibigay.

Yung mommy ko, ang dami niyang isinakripisyo para sa akin, para sa aming magkapatid kaya bilang isang anak, tutuparin ko kung ano man ang kaya kong ibigay sa nanay ko,” sey pa ng Kapamilya actress.

Read more...