Kim atat na atat nang makatambal si Piolo sa pelikula

kim chiu

LOOKING forward si Kim Chiu na maging leading man si Piolo Pascual sa susunod niyang movie project sa Star Cinema matapos sabihin ng aktor na gusto niyang makasama ang aktres sa pelikula.

Nagkaroon kasi ng cameo role ang aktor sa “Etiquette For Mistresses”, siya ang pinakasalan ni Kim sa movie sa ending. “Oh My God, ano nga, biglaan nga ‘yung pag-aya sa kanya (Piolo) kasi ‘yung ending namin, wala pa talagang ending ‘yung kuwento habang nagsu-shooting.

Sabi nila, huwag na lang daw gawing mistresses lahat, ‘yung iba may ibang buhay tapos naghahanap kami ng leading man, so nu’ng tinanong si Papa P, umoo siya kaagad.

“Kaya sobra kaming happy, sobra kaming thankful kay Papa P, cameo-cameo lang pero pumayag talaga siya, so iyon, nakakatuwa,” masayang sabi ng aktres.

At tungkol sa sinabi ng aktor na gusto siya nitong makasama sa pelikula, “Siyempre masaya, noon pa talaga gusto kong maging leading man si Papa P. Pag artista ka at kapag tinanong ka kung sino ang gusto mong maging leading man, si Papa P ganu’n,” masayang sabi ng aktres.

Magiging kumpleto na ba ang career ni Kim kung makasama na niya si Piolo sa pelikula, “Hindi naman kumpleto parang kasali ka na sa industriya ng showbiz, siya po kasi ang may-ari ng Star Magic.

Ha-hahaha!” pabirong sabi pa ng dalaga.  Okay lang ba kay Xian Lim kapag si Piolo na ang susunod niyang partner sa pelikula? “Si Xian, siyempre project ‘yun, e, siya naman ang love team niya ngayon si Angel Locsin (Visayan accent) doon sa Vilma (Santos) Angel movie,” katwrian ng dalaga.

Oo nga naman, puwede na naman silang ipareha sa iba para hindi pagsawaan ng to, “Umiikot-ikot naman ‘yan, eh. Pero mayroon naman kaming project na kaming dalawa, ‘yung teleserye namin next year.”

Tungkol naman sa pelikulang pagsasamahan nina Kris Aquino at Herbert Bautista na entry ng Star Cinema sa MMFF ay alam na ba ni Kim na hindi na ito matutuloy? “Oo, si tita Malou (Santos) magsasabi sa inyong lahat,” biro ng dalaga.

Umatras na raw ang Queen of All Media dahil hindi nasunod ang hiling niyang director of photography o cinematographer, “Ano, irespeto na lang natin siya , siguro naman naka-gain na siya ng respect to each and every people sa industriyang ito at sa fans niya,” pagtatanggol ni Kimmy sa ate Kris niya.

Natanong din si Kim sa isyung mahina raw ang “Etiquette For Mistresses” sa takilya, “Tanungin natin si tita Malou, huwag ako,” mabilis niyang sagot.

Nanghinayang ba ang aktres na hindi natuloy ang Kris-Bistek movie, “nanghinayang kasi ngayon lang ulit ako makakasama sa MMFF, una ‘yung Shake, Rattle and Roll tapos nag-I Love You Goodbye (2009).”

Samantala, wala raw ideya si Kim kung tuloy pa rin ang KimXi sa pelikula maski na hindi na sina Kris at Herbert ang bida, “si tita Malou raw ang maga-advise next week.”

Nagkatawanan ang lahat naman ang mga nag-interview kay Kim nu’ng tanungin siya kung ano ang ineendorso niya sa ATC Healthcare na nagdiwang ng 10th year anniversary sa Makati Shang-La Hotel noong Sabado ng gabi at nabanggit niya ang Fat Out Supplement.

Siyempre ang susunod na tanong ay kung ano ang naidulot nito sa dalaga para mapa-oo siyang endorser. Ang hirit ni Kim sa aming mga reporters, “ikaw, kayo ate, subukan mong uminom ng Fat Out, magiging ganito (sabay turo sa tiyan niya) ang katawan mo, mawawala mga bilbil mo kasi ila-labas niya lahat ng fats mo at saka nakakalinis ng colon para hindi ka magkaroon ng cancer, tatae ka lang nang tatae.”

Na-shock ang lahat dahil sinong mag-aakala na sa ganda ng kasuotan ni Kim nu’ng gabing yun at nasa isang sosyal na okasyon ay walang kapreno-preno ang bibig nito. Napakatotoo ni Kim nu’ng mga oras na ‘yun.

Read more...