Muling kiligin sa ‘Crazy Beautiful You’ nina Daniel at Kathryn

daniel padilla

PATULOY pa ring humahataw ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sila pa rin ang itinuturing na most sought-after loveteam sa Philippine cinema. Making fans go crazy on and off screen, the couple has long captured the hearts of the Filipino audience.

Sa huling pelikula ng KathNiel na “Crazy Beautiful You”, nakita ng kanilang avid supporters kung paano sila nag-mature bilang mga artista. Pinatunayan ng dalawa na hindi lang pagpapa-cute ang alam nilang gawin sa harap ng mga camera.

At ngayong October, maaari nang balikan ang mga nakakakilig na eksena ng rumored couple sa “Crazy Beautiful You” as SkyCable offers e-veryone a chance to experience this movie once again on Pay-Per-View.

Ang “Crazy Beautiful You” ay tungkol sa istorya nina Jackie (Kathryn) at Kiko (Daniel). Lumaking pasaway si Jackie na nagmula sa isang mayamang pamilya. Makikilala niya si Kiko, isang binatang lumaking masipag at matiyaga na nangangarap mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa’t isa ngunit maraming magiging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Kasama rin sa movie sina Lorna Tolentino who portrays Jackie’s Mom, and Gabby Conception who plays Kiko’s Father. Inigo Pascual, who stars in a supporting role as Kiko’s half-brother, serves as the rival, out to claim Jackie’s heart for himself.

Naging malaking success ang romantic film na ito para sa KathNiel, lalo na nu’ng umabot pa sa 2 million dollars ang i-nabot ng kanilang ticket sales abroad. Within October, fans can watch “Crazy Beautiful You” non-stop for three days by subscribing to this special SKY Pay-Per-View feature.

Available in both standard and high definition, viewers can enjoy the film commercial-free for only P199. For inquiries, call lang kayo sa 381-0000 o mag-log on sa www.mysky.com.ph/crazybeautifulyou.

Samantala, tuloy pa rin ang tagumpay ng Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel. Napapanatili pa rin nito ang mataas na rating gabi-gabi at ang pagiging top trending topic sa social media.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Pangako Sa ‘Yo, abangan ang mas marami pang nakakagulat, nakaka-inspire at nakaka-in love na mga eksena nina Kathryn at Daniel, pati na rin nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Angelica Panganiban.

Read more...