Winasak ng “Felix Manalo”, ang pinag-uusapang epic filmbio ng Viva Films starring Dennis Trillo, ang lahat ng existing box-office records nang magbukas ito sa mahigit na 400 na sinehan nationwide at humakot ng tumataginting na P50 million nu’ng Miyerkules.
Sa ilalim ng direksyong ng batikan at multi-awarded na si Joel Lamangan kasama ang pinakamalaking cast ever assembled for a local film, hawak na ngayon ng “Felix Manalo” ang record bilang all-time highest-grossing non-holiday, non-payday opening at tinabunan ang kahit anong local at foreign release sa bansa.
Unprecedented ang pelikula dahil ang Viva at kanilang partner cinemas ay nag-pre-sell pa ng tickets para sa regular run isang linggo bago ang playdate.
Inagahan din ng lahat ng SM at Robinsons theaters nationwide ang screening sa kanilang mga sinehan mula sa regular na 10:30 ginawang 8 a.m. nu’ng se-cond day para ma-accommodate ang napakaraming tao na gustong manood ng Guinness record-breaking film.
May late-night screening din, 11:30 p.m., sa lahat ng SM cinemas. Ang “Felix Manalo” ay isang sprawling historical epic na tumatalakay sa buhay at pagpupunyagi ni Ka Felix, ang kauna-unahang executive minister ng Iglesia ni Cristo.
Nagkaroon ito ng momentous world premiere sa Philippine Arena kamakailan, na nagkamit ng dalawang Guinness world record certificates para sa largest audience for a premiere screening at largest audience for a film screening sa bilang ng mga nanood na 43,624.