Yaya Dub talo sa bulaga pa more, pero sinalubong ng bagong good news

yaya dub

HINDI man nanalo si Yaya Dub sa grand finals ng Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More kahapon sa Eat Bulaga, isang good news naman ang sumalubong sa kanya bilang Social Media Queen.

Kahapon, umabot na sa 2 million ang followers ni Maine Mendoza sa Twitter. Sa maikling panahong inilagi niya sa mundo ng showbiz, ay napakabilis ng kanyang pagsikat.

Bukod sa gumawa ng kasaysayan sa social media at sa telebisyon ang loveteam nila ni Alden Richards ay sunud-sunod din ang ginawa niyang commercials.

At dahil nga sa kasikatang tinatamasa nang dahil sa pagsali niya sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga ay mabilis ding tumaas ang number of followers niya sa Twitter at Instagram.

Wala pang isang buwan mula nang maabot ni Yaya Dub ang 1 million followers sa Twitter, na nakuha niya noong Sept. 14, ay naabot na niya agad ang 2 million mark.

Sa ulat ng socialbakers.com, nadagdagan ng 1,070,587 ang followers ni Maine sa Twitter, pumang-apat siya sa listahan ng fastest-growing celebrities profiles on Twitter worldwide.

Kahilera niya ang mga sikat na Hollywood stars na sina Taylor Swift (No. 1 with additional 1,326,589 followers), Katy Perry (No. 2 with additional 1,215,052 followers), Ellen DeGeneres (No. 3 with additional 1,121,504 followers), at Jimmy Fallon (No. 5 with additional 1,048,705 followers).

Pero sa Pilipinas, siya pa rin ang nangunguna sa listahan ng fastest-growing celebrities profiles. Nasa ikalawang pwesto ang ka-loveteam niyang si Alden. Pangatlo si Joey de Leon, pang-apat si Vice Ganda, at panglima si Paolo Ballesteros.

Read more...