Waging-wagi sa ratings game ang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsiyano nina Coco Martin at Susan Roces. Noong Huwebes, nakapagtala na naman ito ng bagong record.
Base sa huling survey ng Kantar Media, winasak na nito ang rating na 41.6 percent sa pilot episode ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil umabot sa 42 percent ang nakuha nito noong Huwebes kung saan ipinalabas ang mga eksena ni Coco bilang si Cardo na kinailangan nang magpanggap bilang si Ador, ang kakambal niyang pulis na pinatay ng karakter ni Arjo Atayde.
Si Cardo, ay member ng Philippine National Police Special Action Force na pinakiusapan ng kanilang tiyuhin na magpanggap bilang si Ador para ipagpatuloy ang malaking operasyong nasimulan nito laban sa mga sindikato.
In fairness, talagang tinututukan ng madlang pipol gabi-gabi ang serye ni Coco dahil sa ganda ng kuwento nito at sa galing ng lahat ng artistang kasali sa programa. Hindi rin ito pinalalampas ng mga loyalistang fans ni FPJ na nakaanood sa movie version ng Ang Probinsiyano.
Kasali rin dito sina Bela Padilla, Maja Salvador, Jaime Fabregas at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon nina Malu Sevilla ay Avel Dunpongco sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.