‘Bakit Ngayon Ka Lang’ theme song nina Jen at Sam

jennylyn mercado

KAHAPON sa Kris TV napanood ang interbyu ni Kris Aquino kina Sam Milby at Jennylyn Mercado para sa promo ng pelikula nilang “PreNup” mula sa Regal Entertainment.

Inilibot ni Jennylyn ang Queen of All Media sa kanyang bahay kung saan ginanap ang interbyuhan at dahil magkahiwalay nga sila ng network ay dito lang mas nakilala nang husto ng TV host-actress si Jennylyn.

Masaya ang supporters ni Jennylyn dahil finally ay napanood na nila ang kanilang idolo sa ABS-CBN at hoping din sila na mapanood din sa iba pang programa ng Kapamilya network ang dalagang ina.

Pero mukhang hanggang Kris TV lang mapapanood si Jennylyn dahil exclusive siya ng GMA 7 at higit sa lahat, hindi naman co-produce ng Star Cinema ang “PreNup” kaya li-mitado lang ang guesting ng aktres.

Tuwang-tuwa naman ang mga nakapanood sa mall shows nina Sam at Jen sa Fisher Mall at Ayala Fairview Terraces noong Linggo, dahil impromptu raw ang naging dueto ng dalawa sa awiting “Bakit Ngayon Ka Lang” na orihinal na kinanta’t sinulat ni Ogie Alcasid.

Kuwento sa amin na si Sam daw ang nag-suggest na mag-duet silang dalawa ni Jen dahil nga pelikula nila ito at hindi naman din papayag ang fans na hindi sila magkasama sa isang production number.

Hindi kasi magtagpo ang schedules nina Sam at Jen para mag-record ng kakantahin nila. In fairness, hindi lipsync ang dueto nina Sam at Jen dahil dinig na dinig na ang tawanan nilang dalawa sa video na ipinost ng fans sa social media at pati mga bulungan.

Timing din ang awiting “Bakit Ngayon Ka Lang” sa kanilang dalawa dahil type nga nila ang isa’t isa, pero mukhang hindi na pwede.

Tulad nga ng sinasabi sa kanta, “Bakit ngayon ka lang; Bakit ngayon kung kelan ang aking pusoy meron nang laman; Sanay nalaman ko na darating ka sa buhay ko; Di sanay naghintay ako.

“Ikaw sana ang aking yakap-yakap; Ang iyong kamay ang aking laging hawak.
“At hindi kanya.
“Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko; Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso; Ikaw ba ay nararapat sa akin; At siya ba’y dapat ko nang limutin?
Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating.”

Maganda ang blending ng boses ng dalawa dahil si Jennylyn ang second voice. Mapapanood na ang “PreNup” sa Okt. 14, nationwide kasama sina Dominic Ochoa, Jaclyn Jose, Gardo Versoza at marami pang iba, mula sa Regal Entertainment at sa direksiyon ni Jun Lana.

Samantala, sa interview ng Tonight With Boy Abunda kay Sam kamakailan, inamin nito na kino-consider niya si Anne Curtis na kanyang “great love.” Pero kahit na nga naghiwalay sila nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. “I am friends with my exes.

And it’s something that you learn from. Someone that you’ve really invested so much emotion in, so much time in…just relationships, in general, you learn from them.”

Hindi man diretsong inamin ni Sam, sa mga naging pahayag niya sa TWBA, mukhang si Anne nga ang nakipaghiwalay sa kanya noon, pero sinabi nitong walang third party involved.

Read more...