JC umaming may bagong dyowa: Try ko naman ang non-showbiz!

jc de vera

Inamin ni JC de Vera na may non-showbiz girl na nagpapaligaya ngayon sa kanya contrary to reports na single pa rin siya until now.

Sa panayam ng ABS-CBN sa hunk actor, sinabi nitong masaya naman daw ang kanyang lovelife, “Yes, meron naman, siyempre alam mo naman ‘yung mga lalaki hindi naman pwedeng mawalan ‘yan. Meron, non-showbiz.

Kasi pag showbiz hindi nagwo-work eh so try tayo ng non-showbiz.” Tumanggi naman itong magdetalye tungkol sa relasyon nila nu’ng girl, “Isipin ko muna kung magbibigay ako ng details kasi private person siya eh, ni-rerespeto ko naman ‘yun.”

Makakasama rin si JC sa teleseryeng Your My Home kung saan gaganap siyang anak ng politiko, “I’m very proud, may new project tapos merong may bagong pagkakaabalahan. I’m very excited about it.”

“I came from a political family. ‘Yung daddy ko senador siya dati tapos medyo brat tapos hindi ako marunong rumespeto sa authority. Gagawin ko ang gusto kong gawin tapos ayon naghahanap ako ng attention ng love from my parents,” chika pa ng binata.

Bukod dito, tinatapos din ni JC ang pelikula niya with Superstar Nora Aunor, “Matagal na siyang nagsu-shoot, on going pa naman, hindi pa siya nata-tapos.”

Dagdag pa niya tungkol sa unang pagsasama nila ni Ate Guy sa movie, “Very professio-nal po siya, gina-guide niya ‘yung mga katulad namin na young. Challenged ako more than intimidated.”

Read more...