10 preso nalitson sa sunog

leyte-regional-prison-bucor
SAMPU na preso ang nasawi sa sunog na tumupok sa ilang bahagi ng Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte kamakalawa ng hapon.
Narekober ang katawan ng mga biktima habang isa pang preso ang nawawala, ani Chief Inspector Catalino Landia, hepe ng Abuyog Police.
Faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa maximum security compound kung saan 1,256 preso ang nakakulong, ani Landia nang kapanayamin ng BANDERA sa telepono.
Nagsimula ang sunog sa kulungan na matatagpuan sa Brgy. Cagbolo alas-3:50 ng hapon at naapula alas-8:30 ng gabi, ani provincial police spokesman Supt. Edgardo Esmero.
Labing-anim na pulis ang ipinadala sa kulungan upang tumulong sa pagbabantay sa mga nakaligtas na preso, dagdag ni Esmero.
Samantala, tatlong preso ng police station sa Tabaco City, Albay ang iniulat na nakatakas kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Marlo Meneses, Albay provincial police director, nakatakas ang tatlo matapos lagariin ang rehas na bakal ng kanilang kulungan alas-5 ng umaga.
Kinilala ang tatlo na sina Virgilio Bonaobra, 30, ng San Roque, Tabaco City; Randel Ryan Carbonel, 38, ng Mariroc, Tabaco City; at Mark Anthony Yacat, 23, ng Virac, Catanduanes. Pawang may kinalaman sa droga ang kaso ng tatlo.
Nahaharap din si Yacat, na dinakip noon lamang Martes, ay kinasuhan din ng illegal possession of firearms
Ani Meneses, iimbestigahan kung paano nakatakas ang tatlo nang hindi namanalayan ng mga nakatalagang pulis

Read more...