BINARIL at napatay ang lalaki na nang-hostage ng bus gamit ang isang ballpen sa Taft ave., Maynila.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala at idineklarang dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) ang hindi pa nakikilalang suspek.
Sinabi ni Supt. Albert Barot na nabaril ang suspek 30 minuto matapos na ialerto ang mga pulis kaugnay sa nagaganap na hostage-taking.
“The police have to immediately act because there is already a threat to the life of the victim,” sabi ni Barot na ang pinatutungkulan ay ang ginawang pagtutok ng suspek sa leeg ng isa sa mga pasahero.
Ayon kay Vice Mayor Isko Moreno, patalim ang dala-dala ng suspek, pero ayon sa isang pasaherong nakaligtas ay ballpen lamang ang sandata ng napatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.