Palparan sinopla ng huwes

palparan
IBINASURA ng isang korte sa Bulacan ang petisyon ng ni dating Army general Jovito Palparan na makalabas ng kanyang selda at makapunta sa Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 12 para maayos ang kanyang rekord bilang paghahanda para sa kanyang pagtakbo sa Senado.
“After a judicious assessment of the arguments raised, the court is inclined to deny accused motion,” sabi ni Regional Trial Court Judge Alexander Tamayo sa desisyon.
Nauna nang hiniling ni Palparan sa korte na makapunta siya sa Comelec sa gitna ng pagdinig sa kanyang kaso na kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina students Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.
Bukod kay Palparan, nahaharap din sa kaso ang dalawang sundalo ng Army.

Read more...