De Lima sinabing walang kasong ihahain kaugnay ng pagkamatay ng 84th SAC troopers sa Mamasapano

de-lima-0323-660x371
SINABI kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na walang kaso ang inihain laban sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakapatay sa siyam na mga miyembro ng 84th Special Action Company-Special Action Force (SAC-SAF) matapos ang operasyon sa Mamasapano.

Pinangunahan ni de Lima ang isang press conference kaugnay ng resulta ng pangalawang bahagi ng imbestigasyon sa Mamasapano na kung saan 44 miyembro ng SAF ang napatay.

“Wala ho taong pwedeng kasuhan at this point dahil wala talaga nakapag-identify sa mga naka-engkwentro ng 84th SAC commandos,” sabi ni de Lima.
Ang mga miyembro ng 84th Seaborne Company ang inatasan para umaresto sa teroristang si Zulfikli Bin Hir alyas Marwan. Siyam sa mga miyembro nito ang napatay matapos ang nangyaring engkuwentro sa Pidsandawan, Mamasapano kung saan nagtatago si Marwan.

“The death of the nine members [was] the result of a series of deliberate acts by armed individuals with whom the 84th Seaborne engaged in a brief firefight in the course of the assault on Marwan’s hut,” ayon sa 120-pahinang report ng National Prosecution Service-National Bureau of Investigation (NPS-NBI).
Idinagdag ni de Lima na hindi maaaring sabihin na ang 90 miyembro ng MILF na nahaharap sa complex crime of direct assault with murder kaugnay ng pagpatay sa mga miyembro ng 55th SAF ang siya ring responsable sa pagkakasawi ng mga miyembro ng 84th seaborne.

“There is no evidence that they were the same people. While there were survivors who gave credible testimonies, none of them could positively identify their attackers,” idinagdag ni de Lima.

Iginiit pa ni de Lima na wala namang kasong maaaring ihain sa nag-iisang nakaligtas na miyembro ng 55th SAF na si Police Officer 2 Christopher Lalan.

“In the absence of the corpus delicti (body of the crime), no charges can be filed against PO2 Lalan for whatever crimes he may have allegedly committed at Barangay Tukanalipao,” sabi pa ng report.

Read more...