Lacson hindi na tatakbong presidente sa 2016

Lacson

Lacson


IHAYAG ni dating senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi na siya tatakbo bilang pangulo sa 2016 sa pagsasabing nakatakda siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Senado sa Lunes, Oktubre 12.

“I’m filing for the Senate on Monday,” sabi ni Lacson.

“I will try to be the first to file, if possible. I will file as an independent,” dagdag ni Lacson.
Idinagdag ni Lacson na inalok siya ng tatlong nangunguna sa mga survey na mapasama siya sa kanilang listahan ng mga kandidato para sa pagkasenador.
Kabilang sa mga tinutukoy ni Lacson ay sina Sen. Grace Poe, na nangunguna sa mga survey; si Vice President Jejomar Binay at si dating Interior Secretary Mar Roxas.
“I agreed to the two because the principals personally offered. The third one coursed it through an emissary so I did not commit,” dagdag ni Lacson nang tanungin kung tinanggap ang alok sa kanya.
Hindi naman sinabi ni Lacson kung sino kina Poe, Binay at Roxas ang tinutukoy niyang dalawang kumausap sa kanya.

Read more...