Eddie Garcia pararangalan ng Kamara

eddie garcia
Pararangalan ng Kamara de Representantes ang beteranong aktor na si Eddie Garcia kaugnay ng naging kontribusyon nito sa pelikulang Filipino.
Ayon kay 1BAP Rep. Silvestre Bello III inaprubahan na ng Kamara ang kanyang House Resolution 2355.
Dahil deliberasyon ng P3 trilyong budget ng gobyerno para sa 2016, sa pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre iimbitahan si Garcia para tanggapin ang parangal sa kanya.
“While Mr. Garcia is in fact still vigorous and has not slowed down in his reel and real life, it is imperative that we recognize him now so he can enjoy in relative good health the appreciation and recognition of his fellow Filipinos in general and the Philippine Congress in particular,” ani Bello.
Si Garcia ay isang multi-awarded at most nominated person sa kasaysayan ng Filipino Academy of Movie Arts & Sciences.
Siya ang nag-iisang aktor na nananatlo ng tatlong magkakasunod na FAMAS Best Supporting Actor awards sa mga pelikulang “Taga sa Bato” (1957), “Condenado” (1958) at “Tanikalang Apoy” (1959).
Nag-iisa rin sa pagiging FAMAS Hall of Famer sa tatlong magkakaibang kategorya: Best Supporting Actor (1974), Best Actor (2003) at Best Director (1990).
Mahigit sa 300 ang nagawa niyang pelikula. Siya ay nagsilbi rin sa Philippine Scouts na naitalaga bilang military policeman sa Okinawa, Japan noong World War II.

Read more...