Masbate niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

masbate
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang Masbate kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:37 ng gabi.
Ang sentro nito ay natunton 10 kilometro sa silangan ng Masbate. May lalim itong 13 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity IV sa Masbate City, Intensity III sa Irosin, Sorsogon at Intensity I sa Bulusan, Sorsogon.

Read more...