Piolo nag-sorry kay Mega: Sana magkausap kami!

piolo pascual

NABUNUTAN ng tinik sa dibdib si Piolo Pascual matapos makarating sa kanya ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta na pinagsisisihan na nito ang mga nasabi noon laban sa ex-boyfriend ni KC Concepcion.

“It’s a thorn off my chest. Ayaw naman natin ng kaaway. I’m thankful for that,” ayon kay Piolo nang makausap ng media sa presscon ng SunPiology Run 2015 na may temang “Kick Diabetes” na magaganap sa Nov. 28 sa Fort Bonifacio.

Dagdag ng Kapamilya aktor, gusto rin niyang mag-sorry kay Mega sa lahat ng nangyari, “If there is anything we have to settle with each other, siguro maganda rin makapag-usap kami. Pero, of course, I’m thankful for it.”

“If there is anything I did to offend her and her family, I’m also sorry for it. Siyempre, just like what she said, nanay din, e. She’s entitled to that. That’s why I apologize for it as well,” pahayag pa ng binata na ang tinutukoy ay ang kontrobersiyang kinasangkutan nila noon ni KC ma-tapos silang maghiwalay.

Hirit pa ng aktor, “At the end of the day, tao lang naman tayong lahat, nagkakasakitan tayo, nakakasakit, nasasaktan, nagpapatawad, nagmu-move on. Yun lang naman. Para walang problema, i-promote natin yung kagandahan ng puso natin.”

Tinanong din si Piolo kung anong feeling na nasabi rin ni Sharon na masaya rin ito na nagkabati na sila ni KC, “Sino ba naman ang ayaw ng ganoon? Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng mundo ng showbiz para magkaroon tayo ng kaaway.

Yun ang iniiwasan ko sa lahat.  “Ayokong pumapasok sa trabaho ko with a heavy heart, so I always make sure that I’m at peace with e-veryone. Hindi rin natin maiwasan ang makasagasa rin, makatapak ng tao.

And I always make sure, kung sino man ang mga yun, ipinagdarasal ko, humihingi ako ng tawad. Kasi hindi rin naman tayo perpekto,” aniya pa.

Handa na ba siyang makatrabaho uli si KC sa isang teleserye o movie? “Wala naman akong iniiwasang ka-trabaho. I’m all for what is good or what has potential sa box office or sa TV so I can definitely work with anyone.”

Ano naman ang masasabi niya sa naging pahayag ng ama ni KC na si Gabby Concepcion na okay dito sakaling magkabalikan sila ng kanyang ex? “Matatanda naman kami for us to make that decision so of course I respect that and I appreciate that as well.”

Read more...