‘Hindi masisira ang musical play ni Lea nang dahil lang sa AlDub!’

lea salonga

PASINTABI na naman sa mga matitinong AlDub fans ha, patama lang ito sa mga may tamang AlDub supporters na feeling nila ay mga diyos na sila and mega-powerful.

May lumabas kasing item na ibu-boycott daw ng AlDub fans ang musicale na “Allegiance” ni Ms. Lea Salonga sa New York dahil sa nasambit ng international singer before ang tungkol sa kababawan ng mga fans or something to that effect.

Kahit in general ang pagkasabi ni Ms. Lea noon ay talagang nagwala ang ilang mga walang utak na AlDub fanatics na wala talagang kasing-babaw. And their latest threat ay ibu-boycott nga raw nila ang play ni Ms. Lea.

Marami ang humalakhak nang malakas kasi nga naman, akala siguro ng AlDub fans na ito ay maaapektuhan ang play ni Ms. Lea Salonga eh, hindi naman silang mga mahihirap ang market noon. Yung mga mayayamang AlDub fans based sa Amerika ay hindi naman kasing-tanga nila na nakikipag-away kahit wala sa lugar.

And mind you guys, international star si Ms. Lea at hindi kayo ang market niya. Baka akala ninyo mapipilay ang play niya kapag hindi kayo nanood. May sariling merkado po ang ganoong palabas – hindi pa man inii-stage soldout na po ang mga dates nila.

Nakakalokang mga AlDub fans na ito, may maitalak lang hindi man lang nag-iisip.  What’s happening to these people? Hindi ba sila nag-iisip? Feeling talaga nila ay kilala na internationally ang AlDub thing na ito?

Sa mga Pinoys na mahihilig lang sa TV po sila kilala, hindi po sa buong mundo. Hindi sila kilala ng mga Amerikano. Hindi po sila kilala ng mga Taiwanese. Hindi po sila kilala ng mga Espanyol. Hindi sila kilala sa Maldives.

At kung sa international TV naman, hindi sila ganoon kainit kasi sa TV ay TFC pa rin ng ABS-CBN ang kilala abroad. Sikat talaga sila rito pero obviously ay nag-wane na rin ang kasikatan nila – unlike the past weeks.

Kaya namnamin na lang ninyo ang kasikatan nila habang mainit-init pa. Huwag kayong mag-ilusyong ganoon na ka-po-werful ang grupo ninyo to the point na kaya ninyong pilayin ang play ni Ms. Lea. Ha-hahaha! Kalokang mga fans – mga baliw na yata.

Palala sila nang palala. Anyway, enough na rin with these AlDub fanatics na ito. Nakakasuka na sila.

Read more...