Yaya Dub biglang nawala sa kundisyon nang mag-absent sa kalyeserye si Alden

yaya dub

Nu’ng isang araw ay malungkot na malungkot si Yaya Dub. Wala kasi si Alden Richards, nasa Camarines Sur ang Pambansang Bae at may show, kaya wala sa kundisyon si Maine Mendoza sa kalyeserye.

Ibinalik na uli si Alden sa studio at si Yaya Dub na uli ang kasama ng kanyang mga lola sa barangay, naloka siguro ang produksiyon sa tindi ng security na kaila-ngan nila kapag ganu’n ang nangyari.

Dinadamba kasi si Alden ng mga fans. May isang kaibigan kaming nagpunta mismo sa location ng kalyeserye nu’ng nakaraang Martes. Nakita nito ang tindi ng lakas ng kalyeserye, pati sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay may kani-kaanyang hukbo na rin ng mga tagahanga, lukang-luka ang kaibigan naming si Rein Cortez.

“Grabe! Dusa! Ang hirap-hirap makapasok! At kapag nandu’n ka na sa mismong location, grabe ang pagkakagulo ng mga tao. Pag-alis ko, feeling ko, e, nakipag-away ako sa isang malaking grupo sa sobrang pagkahapo ko,” kuwento ni Rein.

Apat na buwan pa lang sa kalyeserye si Yaya Dub pero ilan na ba ang product endorsement niya ngayon?  Pati si Alden, sila ang paboritong kunin ngayon ng mga ahensiya, dahil ‘yun ang hinihingi ng kanilang mga kliyente.

Panahon nila ngayon, hawak nila ang pagkakataon, kaya sinumang kumontra sa kanila sa ngayon ay siguradong mabibigo lang. Nganga! Wala silang magagawa, AlDub pa rin ang nagbibigay ng lagnat sa buong bayan, dahil panahon nila ngayon.

Read more...