Feeling ko si Rico ang guardian angel na ibinigay sa akin ni God! —Claudine

claudine barretto

Naniniwala si Claudine Barretto na si Rico Yan ang nagsisilbing guardian angel niya, lalo na kapag may pinagdaraanan siyang matinding pagsubok sa buhay.

Sa interview ng ABS-CBN, natanong ang aktres kung anu-ano ang mga good memories na pwede niyang i-share sa kanyang fans tungkol sa mga naging leading man niya sa kanyang mga teleserye at pelikula.

Hindi diretsong nasagot ni Claudine ang tanong, aniya, “Mahirap maging happy ang memory kung nawala e, alam mo yung biglaan,” na ang tinutukoy nga ay si Rico Yan.

Dito na inamin ng estranged wife ni Raymart Santiago na hindi pa rin nabubura sa kanyang isipan ang mga alaala ni Rico at araw-araw pa rin niya itong iniisip.

“So ‘yun nga, like what I’ve said sa Tonight With Boy Abunda, sabi ko na parang ang totoo talaga there’s not a day in my whole life na hindi ko siya naiisip talaga.

Feeling ko siya ‘yung guardian angel na binigay ni God sa akin, na nag ga-guide sa akin.” Sey pa ni Claudine, siguradong masayang-masaya si Rico ngayon dahil unti-unti nang nagiging maayos ang buhay niya, lalo na ngayong nakabalik na siya sa showbiz.

Matagumpay din ang comeback movie niya under Star Cinema na “Etiquette For Mistresses” kung saan kasama niya sina Kris Aquino, Kim Chiu, Iza Calzado at Cheena Crab sa direksiyon ni Chito Roño.

Read more...