CBCP may babala sa milyun-milyong AlDub fans

pastillas girl

Bukod sa grupong Gabriela na sumasawsaw sa kasikatan ni Angelica Yap o mas kilala ngayon bilang si Pastillas Girl na pinasikat ng It’s Showtime dahil sa akusasyon ng ilang moralista na bi-nubugaw daw ng programa ang dalaga dahil kung kani-kaninong lalaki raw ito inirereto, may isang religious grupo pa ang sumali na sa isyu.

Nauna nang ipinagtanggol si Angelica ng kanyang ina tungkol sa usaping bugawan, sinabi nitong kahit kailan ay hindi nila magagawang ibenta ang pagkatao ng kanilang anak.

Gusto lang daw ng ina ni Pastillas Girl na lumigaya ang dalaga at makatagpo ng lala-king tunay na magmamahal sa kanya kaya naghahanap ngayon ang Showtime ng karapat-dapat na lalaki na tatawagin nga nilang Mr. Pastillas.

Pero bukod nga sa pakikialam ng Gabriela, naki-join na rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa nasabing isyu. Nag-tweet kamakailan ang grupo ng mga arsobispo at nananawagan sa mamamayang Pilipino na mag-ingat din sa pinapanood na kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ayon sa tweet ng CBCP kamakailan, “Supporting the noble cause of spreading virtue, values and morality that our nation deserves #ALDubEBfor LOVE.”

Sabi ng executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on youth, na si Fr. Kunegundo Garganta na ang mga nanonood sa AlDub loveteam ay hindi lang dapat kiligin kundi dapat alamin ang mensahe ng programa.

“The audience should learn to balance and separate reality from virtual world,” sabi mismo ng pari dahil ganito na raw kasi ang nangyayari ngayon sa mga follower ng AlDub.

Maraming namba-bash kay Pastillas Girl sa social media, kabilang na ang ilan sa mga fans ng AlDub na akala mo’y wala silang mga kasalanang nagawa sa kanilang mga buhay.

Bakit ba pawang pamba-bash na lang ang ginagawa ng ilang supporters ng kalyeserye sa katapat nitong programa? Tama na ang matuwa sa mga iniidolo pero ang mang-away at tumira sa kalaban nitong pa-labas ay hindi naman yata tama.

Sabi nga, good vibes na lang at hayaan na lang kung sino ang gustong manood kay Pastillas Girl sa It’s Showtime at kung sino ang gustong tumutok sa AlDub ng Eat Bulaga.

Sa mga basher, magkaisa na lang kayo ng pinapanood at huwag nang magsilipan kung sino ang sikat at hindi, dahil pustahan tayo, lilipas din ang mga ‘yan.

At saka ninyo mare-realize na hindi rin tama ang ginawa ninyong paninira sa isang taong wala namang ginagawang masama sa inyo.

Read more...