Gabby handang magpa-convert sa Inc: Hindi pa naman huli ang lahat!

gabby concepcion

HALATANG galing sa pag-iyak ang mga mata ni Gabby Concepcion pagkatapos ng grand world premiere ng pelikulang “Felix Manalo” sa Philippine Sports Arena noong Linggo ng gabi.

Hindi naman itinanggi ni Gabby na talagang iyak siya nang iyak habang pinapanood niya ang pelikula dahil gandang-ganda siya sa pagkakagawa nito bukod pa sa napakaganda pala talaga ng papel na ibinigay sa kanya ng Viva Films bilang si Erano (Ka Erdy) Manalo na isa sa mga anak ni Ka Felix Manalo.

“Wala akong masabi talaga kasi naging parte ako ng napakagandang pelikulang ito at napakaswerte ko dahil ako ang napili nilang gumanap sa papel na Ka Erdy.

“Yung respeto ko sa kanila ay ganu’n na lang kasi para sa akin second chance na ito sa buhay na makabalik ako rito (sa Pilipinas) tapos meron pang ganu’ng blessing, so nakita ko naman ‘yung mga turo at paniniwala ni Ka Felix at saka ng INC (Iglesia Ni Cristo) kaya wala akong masabi talaga kasi sa Bibliya lang talaga ang pinagbabasehan ng lahat at nakakaiyak kanina hindi ko mapigilan, especially ‘yung digmaan,”kuwento ng aktor.

Dagdag pa ni Gabby tungkol sa pelikula, “It’s histo-rical, may pinanggalingan, may pinuntahan, may resulta lahat ng paniniwala nila, lahat ng itinayo ni Ka Felix at sumunod sa kanya iisa ang paniniwala.

“Overwhelming, hindi ko na alam kung anong word pa ang sasabihin, ang ganda ng pelikula, ang galing ni direk (Joel Lamangan), ang galing ng sounds, editing, production design, lahat.

It’s my first time to be part of the (Guiness) world record and it will last for a long, long time. “Hindi ko na kailangang humalungkat sa history books (tungkol sa INC) ayan na, papanoorin mo na lang, hindi lang para sa INC ang pelikulang ito, para lahat ng Pilipino,” sabi ng aktor.

Tinanong namin kung posible bang maging kaanib na rin siya ng INC, “E, sabi nga ni direk (Joel), hindi pa huli ang lahat, posible, (iisa) naman ang Diyos at (iisa) ang Bibliya,” diretsong sabi ng aktor.

Nagsimula nang ipalabas kahapon ang “Felix Manalo” sa mahigit 300 sinehan sa buong bansa mula sa Viva Films at Iglesia Ni Cristo.

Read more...