91-taong-gulang na Enrile balik sa paglalaro ng ‘Bejeweled’ sa Senado

enrile-bejeweled
BALIK si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa paglalaro ng “Bejeweled” sa kanyang tablet sa huling araw ng sesyon ng Senado bago ang tatlong-linggo bakasyon.

Sa mga nakaraang panayam, iginiit ni Enrile na nakakapagpatalas ng kanyang memorya ang paglalaro ng Bejeweled sa kabila ng kanyang edad.
“I’ve been doing this for quite some time to exercise my diminishing intellectual capacity,” aniya.

Nahaharap si Enrile sa plunder matapos masangkot sa pork barrel scam.
Pinayagan siya ng Korte Suprema noong Agosto na makapagpiyansa.
Noong isang buwan, isinugod siya sa ospital dahil dengue.

Read more...