MILYONES ang magagastos sa pagpapaopera ng lalamunan ni Nora Aunor kaya hanggang ngayon daw ay nag-iipon pa siya para sa kabuuang halagang kakailanganin sa kanyang o-perasyon na gagawin sa Amerika.
Nilinaw ng Superstar ang balita na hindi na niya itutuloy ang kanyang throat operation dahil may mga nagpayo sa kanya na baka hindi rin bumalik ang boses niya kahit pa ma-gamot ang lalamunan niya. Baka raw magsayang lang siya ng panahon at pera.
Sa pocket presscon ng bagong teleserye ni Ate Guy sa GMA 7, ang Little Mommy, nasabi nga nitong ipinagdarasal pa rin niyang maibalik ang boses niya para muli siyang makakanta.
Kaya nga todo-kayod pa rin siya para makaipon ng gagastusin sa operasyon. Sabi ni ate Guy, malaking tulong ang ibinigay sa kanya ni Boy Abunda pero ang pangako ni Kris Aquino na financial assistance ay hindi naman nakarating sa kanya.“Grabe ang suporta sa akin ni Kuya Boy.
Pero sabi ko nga, hindi pa yun sapat, kasi malaki talaga ang kailangan, milyon. “Pagdating mo pa lang du’n, siyempre kailangan mo ng matutuluyan, wala ka namang bahay sa Boston. Yung ospital na pagdarausan ng operasyon da-pat walking distance lang du’n sa tutuluyan mo (hotel).
“Mga ilang linggo kang mag-stay du’n. Tapos halimbawa after ng operasyon, pupunta ka pa ng New York para magpa-therapy. Kung ilang buwan, hindi ko pa alam,” mahabang esplika ni Ate Guy.
Nang matanong kung ti-nupad ni Kris ang promise nitong tulong pinansiyal, “Wala naman. Naku, sa mga tao siguro (nag-promise). Pero sabi ko nga, hindi ko naman inasahan yun. Tampo? Bakit naman ako magtatampo? Hindi ko nga iniintay yun, e. Walang ganu’n.”
Mukhang hindi na nga ibinigay ni Kris ang pangako niyang tulong sa Superstar dahil nga alam naman ng madlang pipol na isa ang award-winning actress sa mga nagprotesta noon laban kay Pangulong Noynoy Aquino.
Samantala, diretso namang sinabi ni Nora na handa siyang sumama sa campaign sorties ni Sen. Grace Poe para sa 2016 elections. Magbibigay daw siya ng panahon para ikampanya ang senadora sa pagkapangulo.
“Oo, Grace Poe ako. Alam n’yo naman di ba, kung saan siya nanggaling—kay Ate Susan (Roces), kay kuya Ronnie (Fernando Poe Jr.). Actually, nagkita na rin kami at nagkausap. At naniniwala ako na may puso siya para sa mga tao.
Kasi, iba pa rin talaga pag babae na mata-lino pero may puso at madaling lapitan. “Naniniwala rin ako na malaki ang maitutulong niya sa ating bayan at sa mga Filipino. Lalo na yung mga iiwanang problema ng present administration.
Naaawa nga lang ako dahil sa mga ibinabatong mga issue sa kanya. Pero alam ko kakayanin niya yun para sa bayan.” Samantala, excited na si Ate Guy sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ito ngang Little Mommy kung saan makakasama niyang muli ang premyadong actor-director na si Eddie Garcia.
Gagampanan ng Superstar ang karakter ni Annie Batongbuhay, isang cool retro lola. Bibigyang-buhay naman ni Mr. Eddie ang karakter ni Don Miguel Valle na sabik na sabik maka-experience ng mga bagong bagay sa bagong henera-syon.
Sinabi ni Nora na ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa muling pagsasama nila ni direk Eddie, “Kapag kaeksena ko siya, nahihiya pa rin ako, nandu’n pa rin yung nerbiyos!”
Makakasama rin dito sina Kris Bernal, na gaganap bilang isang mentally-challenged na apo nina Eddie at Ate Guy, Mark Herras, Gladys Reyes, Hiro Peralta, Renz Fernandez, Juancho Trivino, Bembol Roco, Keempee de Leon at Sunshine Dizon.
Ito ay sa direksiyon ni Ricky Davao at magsisimula na sa darating na Nobyembre.